1. Kahit na sa anong kondisyon o kalagayan ng kumpanya, hindi maaaring pilitin ng employer ang isang nagdadalang-tao na magtrabaho ng overtime, tuwing rest day o kaya magtrabaho ng night shift. 2. Hindi rin maaaring italaga ang nagbubuntis sa mga trabahong magdudulot ng panganib sa kanya at sa bata sa kanyang sinapupunan (lalo na't kung maaari itong magdulot ng pagkalaglag ng bata). NOTES: * Kung walang problema sa panganganak, ang mga empleyado ay maaaring mag-file ng leave para sa 90 araw na leave mula sa due date (inaasahang araw ng panganganak) o sa mismong araw ng panganganak. * Lahat ng empleyado ay maaaring gumamit ng 45 araw pataas para sa leave matapos ang panganganak. ※ Ang babaing empleyado ay maaaring gumamit ng 44 na araw ng maternity leave sa unang yugto ng panganganak kaysa sa nalalapit na araw ng panganganak, ayon sa mga sumusunod na kaso: ① kung nakaranas ng makunan o magsilang ng patay na sanggol ang empleyado, ② kung mahigit sa 40 taong gulang na ang empleyado, ③ kung mayroon siyang medical certificate na nagsasabing may posibilidad siyang makunan o magsilang ng patay na sanggol . * Ang maternity leave bago o matapos ang panganganak ay ibinibigay sa mga empleyado ng ilang mga kumpanya. Subalit, matatapos ang leave kapag naabutan ng expiration ng contract period habang naka-leave ang empleyado. Sahod habang naka-Maternity Leave Bago o Matapos ang Panganganak * Ang sahod ay binabayaran habang naka-leave ang mga empleyado. * Binabayaran ng malalaking kumpanya ang 100% ng 60 araw ng karaniwang sahod ng empleyado, at ang natitirang sahod para sa 30 araw ay binabayaran gamit ang employment insurance. (Maximum ng KRW 1.35 milyon sa isang buwan) * Binabayaran naman ng mga small and medium-sized enterprises ang sahod para sa 90 araw gamit ang employment insurance (maximum ng 1.35 milyon kada buwan). *** Hinihikayat ang lahat ng kababaihang empleyado, lalo na ang may posibilidad na mabuntis, na magbayad at maghulog para sa employment insurance upang makapag-apply kayo ng benepisyo para sa maternity leave. Aplikasyon para sa sahod sa panahon ng maternity leave bago o matapos ang panganganak * Ang mga empleyadong nais makatanggap ng sahod habang sila ay naka-maternity leave ay kinakailangan kumuha ng dokumentong nagpapatunay na sila ay naka-leave. Makukuha ang dokumentong ito sa mga may-ari ng kumpanya. Isumite ang nasabing dokumento, kasama ang application form para sa pagke-claim ng sahod sa panahon ng maternity leave, sa Job Center na nasasakiupan ang inyong tirahan o lokasyon ng inyong kumpanya. ※ Kinakailangang Dokumento - Dokumentong mula sa inyong kumpanya: dokumentong nagpapatunay na kayo ay nag-file ng maternity leave, payslip, dokumentong nagpapatunay ng nasabing sahod (hal. employment contract, atbp.) - Dokumentong manggagaling sa homepage ng MOEL: application form para sa maternity leave bago o matapos ang panganganak 4. Para sa mga nakunan o nanganak ng stillbirth (patay ang batang ipinanganak): - kung 11 weeks na pagbubuntis nang makunan: 5 days na leave mula sa araw na pagkakunan - 12 weeks ~ 15 weeks : 10 days na leave mula sa araw na pagkakunan - 16 weeks ~ 21 weeks: 30 days na leave mula sa araw na pagkakunan - 22 weeks ~ 27 weeks: 60 days na leave mula sa araw na pagkakunan - mahigit sa 28 weeks: 90 days na leave mula sa araw na pagkakunan ** ito ay para lamang sa kaso ng natural na pagbubuntis at hindi doon sa mga nagpa-artificial pregnancy 5. Kailangan din kayo bigyan ng panahon na magpa-check-up sa ospital. 6. Hindi nila kayo maaaring tanggalin sa trabaho dahil sa kayo ay buntis. Hindi rin nila kayo pwedeng tanggalin sa trabaho habang kayo ay naka-leave ng 90days (o sa loob ng 30 araw matapos ang leave ninyo). Kapag ginawa ito ng inyong kumpanya, maaari kayong magfile sa labor ng "unfair dismissal." SA MAY MGA TANONG, INUULIT KO PO (100X) TUMAWAG PO KAYO SA 1644-0644 (PRESS 7 for FILIPINO). KUNG 'DI PO KAYO MAKATAWAG or KUNG WALA KAYONG LOAD, I-PM NIYO PO SA AKIN ANG PHONE NUMBER NINYO PARA MATAWAGAN KO KAYO. HINDI KO PO PAPANSININ ANG MGA MESSAGES NA WALANG PHONE NUMBER. (Maliban na lang po sa mga suki ko na may record na sa akin.) MARAMING SALAMAT PO. | |
date 2013/05/07